Obvious naman sa work ko na evening person ako. Pero pwede rin morning. Minsan nga lang. ;-)
August 2011
26 posts
Marami akong gustong gawin. Gusto kong maging aktibista. Hanga ako sa tapang at paninindigan nila. Marami rin akong gustong ipaglaban sa buhay. Hindi miminsan ay ninais ko ring baguhin ang tingin ng ibang taong malapit sa akin. Ngunit siguro ay dapat ko na lang tanggapin na hindi natin mapipilit ang tao na magustuhan tayo. Isang bagay na alam kong hindi ko na maipapaglalaban.
Gusto ko ring maging manunulat. Hindi ko man alam lahat ng pasikot-sikot sa malikhaing pagsulat ay sinusubukan ko naman na gawin ang mga sulat o nobela ko nang maayos. At isa pa, handa ako itong pag-aralan.
Gusto kong yumaman. Lahat naman tayo, eh. Gusto kong bumili ng mall. Habang buhay na akong mayaman noon, siguro. At kapag sobrang dami ko nang pera, bibili ako ng isla sa Palawan. Mahal na mahal ko ang lugar na iyon.
Gusto ko rin palang maging miyembro ng teatro. Madalas akong magmukhang baliw noon sa bahay dahil nagpapanggap akong umaarte at may kausap. Nakakatuwa pero nakakahiya rin minsan.
Gusto ko rin palang magpa-tattoo pero ayaw nila. Gusto ko rin matutong sumayaw.
Marami akong gusto pero alam ko namang hindi lahat ng iyon ay matutupad. Gusto ko lang malaman ninyo ang ilan sa mga iyon.
I just gotta reblog this. I’ll have him as my father if ever. LOL
August 26, 2011
Sir RA Rivera. The @rarivera9. Film talk. Wasak na umaga. Starstruck, syet. :D





SUPERB!!! <3
Bitter ng mga ilang araw and then next week, try to be okay. :)